• Friday, May 18, 2012 06:41:43 PM
Seafarers

Entertainment

Mandarayang Timbangan

Dahil sa “age limit” kayrami na ang nahirapan: Na muli pang makasakay sa barkong pangkabuhayan kahit na nga sabihin nang hinog ka sa karanasan sa trabaho at alon ng malawak na karagatan. Napapahiya ka na lamag dahil ikaw ay tinanggihan? Nagtatanong ang Marinong sa hanap-buhay ay pinutulan.

Nakikita kong hindi pantay ang panuntunan: nang batas na ito na sa Marino’y pinaiiral, Milyong-milyong dolares ang naiambag namin sa bayan; Bakit sa aming kagipitan kami’y hindi matulungan? Kami’y dating mga Bayaning hinubaran ng karangalan! Nasaan ang katarungan sa hindi makataong timbangan?

Kung ito ang kwintas na sa ami’y parangal; mapait pa sa apdo itong sa ami’y dumatal, kakayahan hindi edad ang dapat na batayan; sa pagpili ng Marino sa trabaho’y maaasahan. Kung sadyang ito ang sa ami’y bakayaran; sa edad sing kwenta ang pension dapat umpisihan!

Pero, bakit si Flavier, Pimentel at De Venecia? Lampas na sa “golden age”, sa Senado nariyan pa? Hayun pa din si Enrile, Gloria at Guingona; Hindi ba’t sila ay mga Senior Citizen na? Bakit hanggang ngayon sila’y kumakayod pa? Gayong sila’y mayayaman na’t kaydami ng pera? Gasino pa kaming Marino na sa barko lang umaasa. Nagtitiis sa lungkot at malayo sa pamilya! Mabuhay tayong mga Marino kahit tayo inasu pala! At ‘yong nagpapairal ng “age limit”, wag naman…. …sana Makarma!

Engr. Leonardo A.Purca
First Asst. Engineer
August 10, 2006